arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

Bakit Hindi Kinukunsinti ng Yelp ang Panghihigi ng Reviews ng mga Negosyo

Sa loob ng nakaraang 13 taon, naging pangunahing layunin ng Yelp na matulungan ang mga mamimili para mas madali nilang mahanap ang iba’t-ibang lokal na negosyo. Ang susi para maisakatuparan ang layuning ito ay nakasalalay sa pagbibigay ng walang kinikilingang feedback, nang sa gayon ay makagawa ng matalinong desisyon ang mga mamimili. Ang tagumpay ng Yelp ay nag-ugat sa kapasidad nitong maglahad ng makabuluhang impormasyon. Kaya naman, hindi namin maaaring kilingan ang panghihingi o pagmamanipula ng reviews.

Malaking bahagi ng pagkakaroon ng de kalidad na impormasyon ang kawalan ng kinikilingan. Dinesenyo ang awtomatikong software ng Yelp para ‘wag magrekomenda ng reviews na sinulisit ng mga negosyo dahil ang mga review na kagaya nito ay may pinapaboran. Matagal na kaming naninindigan laban sa ganitong gawain, at kadalasa’y nakakatanggap kami ng di magandang reaksyon dahil dito. Ngunit, patuloy naming ilahahad ang tungkol sa aming patakaran at kung bakit mahalagang mapanatili ang tiwala para patuloy na maging makabuluhan ang paggamit ng Yelp.

Sa halip na humingi o kaya naman ay magbigay ng pabuya para lang makatanggap ng magandang review, mas mabuti pang hayaan na lang ng mga negosyong kusang magsulat ng review ang kanilang mga kostumer. Kailangan nilang siguraduhing maganda ang serbisyo at produkto nila para makatanggap ng positibong review. Pwede rin nilang hikayatin ang kanilang mga kostumer na silipin ang mga nauna nang Yelp reviews tungkol sa kanilang negosyo.

Dahil nakikita naming dumadami ang negosyong nanghihingi ng reviews, patuloy kaming gagawa ng paraan upang mapigilan ang mga ito. May mga kompanyang nagsasabing sila ang eksperto sa reputation management at kaya nilang paramihin ang magandang reviews ng mga negosyo para tumaas ang rating. Hindi namin nirerekomenda ang ganitong diskarte dahil kayang kilalanin ng software ng Yelp ang mga reviews na sinulat nang dahil sa ganitong pamamaraan. Bagama’t binabahagi namin ang kaalamang ito sa mga negosyo, hindi pa rin namin mapipigilan ang iilan na pinili pa ring magsulisit ng mga reviews. Dahil dito, patuloy din kami sa pagbubunyag kung aling negosyo ang gumagawa nito. Nang sa gayon ay mapangalagaan ang interes ng mga gumagamit ng Yelp. Para sa dagdag kaalaman kung ano ang pinakaepektibong paraan ng paggamit ng Yelp, silipin ang mga dapat at di dapat gawin ng mga may-ari ng negosyo.