arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

Abiso Para sa mga Mamimili Mula sa Yelp: Magsaliksik Bago Bumili

Simula nang itinatag ang Yelp, pangunahing layunin na naming pangalagaan ang tiwala ng mga mamimili. Kaya naman, hindi namin ginagawang biro ang anumang kaduda-dudang aktibidad ng mga negosyo. Dahil dito, ipapatupad na namin ang 59 Abiso sa mga Mamimili na ipapakita sa pahina ng negosyo sa loob ng 90 araw. Inimbestigahan namin ang mga negosyong sumusubok na manipulahin ang kanilang ratings at reviews dahil naniniwala kaming karapatan ng mga mamimili na malaman ang katotohanan.

6a00d83452b44469e201bb08b45a2f970d

Heto ang ilan sa aming mga halimbawa:

– Bago ka pumayag na magpa-opera kay Simon Ourian, MD, isang plastic surgeon sa Beverly Hills, CA, importanteng malaman mo na nag-aalok sila ng libreng lip augmentation kapalit ng reviews na may mataas na rating.
– ‘Pag nagkasakit ang anak mo, magdadalawang-isip ka din na dalhin siya sa First Choice Emergency Room sa Humble, TX dahil namimigay sila ng libreng gift card ng Starbucks bilang kapalit ng magagandang reviews.
– Bago ka magdesisyong umupa sa Cabrio Properties sa Ann Arbor, MI, mahalagang malaman mo na nahuli silang nag-aalok ng rent credit kapalit ng reviews na may limang bituing rating.

Maliban sa panloloko sa mga mamimili, pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa negosyo at paglabag sa Tuntunin ng Serbisyo ng Yelp, ang paglalathala ng positibong testimonyang mayroon namang kapalit na suhol ay kinikilala bilang di makatotohanang pagpapatalastas.

Ang abiso para sa mga mamimili ay isang lang sa mga hakbang na ginagawa namin para masiguradong makatotohanan ang nilalaman na makikita sa Yelp at mula talaga ang mga ito sa tunay na karanasan ng mga users. Naninindigan din kami laban sa mga kompanyang nagsasabi na kaya nilang baguhin ang online na reputasyon ng mga negosyo sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga negatibong reviews at pagpapataas sa rating nila, katumbas ng tinakdang bayad. Para sa mga may-ari ng negosyo, ipaalam ninyo sa amin kung may ganitong kompanya na nangungulit sa inyo.

Mahalaga ang mga balitang galing sa komunidad para matunton ang ganitong negosyo. Kung may napansin kang kaduda-duda sa Yelp, i-report mo lang sa amin para lalo naming mapatibay ang pagbibigay-proteksyon sa mga mamimili at mga negosyong matapat.