arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

Nasama sa Balita ang Yelp Career

iyempre, alam naman namin na masarap magtrabaho sa Yelp. Pero siyempre, masarap pa ring marinig ang papuri ng ibang tao. Gusto kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga kaganapan kung saan pinagdiwang Yelp ang pagkakaisa ng aming mga empleyado at komunidad bagama’t mayroon silang iba’t-ibang kultura at galing sila sa samu’t-saring industriya.

Pagdating naman sa pagbebenta, kinilala kamakailan ang aming SVP para sa Local Sales na si Erica Galos Alioto at napabilang siya sa 50 Most Powerful Women in Technology (50 sa Pinakamakapangyarihang Kababaihan sa Industriya ng Teknolohiya). Maliban dito, itinampok din ang aming opisina sa Chicago dahil sa kapuri-puring samahan dito. Binanggit sa balita ang isa sa’ming pangunahing paniniwala: ‘Huwag Maging Kabagot-bagot’. Nabanggit rin na hindi lang taun-taon kung magdiwang ang Yelp… Laging may patimpalak na nagaganap at pinagdiriwang namin kahit ang maliliit na tagumpay sa bawat araw (minsan nga halos oras-oras) para mapanatiling masaya ang lahat.

yelp_01_-768x518

Pagbati sa’ming sales office sa Chicago!

Kinilala din ang Yelp bilang #20 sa listahan ng Forbes na pinamagatang, “Best Midsize Employers in America”. Nagkaroon din ng pagkakataon ang aming SVP ng Engineering na si Mike Stoppleman para makipag-usap sa mga tao sa Monster.com tungkol sa kahalagahan ng mga programang para sa internship at co-op, at binigyang-diin niya ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga interns kahit pa natapos na nila ang programa. Para sa mga karagdagang impormasyon, silipin mo ang kaniyang post sa LinkedIn na may pamagat na, “Why Interns Are Yelp’s Best Kept Secret To Success.”

aaeaaqaaaaaaaavvaaaajgvkmwqyzdk4lwzinjmtndg1oc05yjeyltuwotixndi2ndkzyw

SVP ng Engineering na si Mike Stoppelman kasama ang mga dating interns

Isa pang lokal na balita ang nagpahalaga sa pagkakabuklod-buklod ng komunidad ng Yelp at sinabi dito na nabibigyang-tinig ang samu’t-saring pananaw. Nakipag-ugnayan ang Post at Courier sa tatlong Yelp Elites at sinabi nilang namangha sila sa pagkilalang natatanggap ng mga kababaihan at iba pang lahi sa komunidad ng Yelp. Binanggit pa ng isa sa mga Elites na madalang mangyaring pumunta sa isang bar ang tatlong babae – isang babaeng African-American, isang babaeng Puerto Rican at isang babaeng Hudyo – at mauupo sila sa iisang mesa. Yelp ang nagbuklod-buklod sa kanilang lahat.

Ikinatutuwa kong makarinig ng mga ganitong istorya kaya naman minabuti kong ibahagi ang mga ito sa buong komunidad. Subaybayan lang ang @YelpCareers sa Twitter, Facebook, at Instagram para hindi ka mahuli sa mga balitang tungkol sa Yelp. Oo nga pala, may mga bakanteng posisyon sa’min! ?