arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

Gusto mo ba’ng malaman kung magkano ang tinatayang halaga? Madali na ‘yan!

Sa bawat araw, maraming mamimili ang sumasangguni sa Yelp bago sila gumawa ng desisyon kung aling negosyo ang tatangkilikin nila. Kadalasan, kailangan mo lang makakita ng isang katakam-takam na litrato ng pizza o makabasa ng makabuluhang review para makapagpasya kung saan ka kakain. Kaya lang, hindi ganito kadali ang sitwasyon para sa ibang negosyo. Minsan kailangan mo munang makipag-ugnayan sa negosyo at magtanong kung magkano ang rate nila bago ka makagawa ng desisyon.

Madali nang humiling ng impormasyon kung magkano ang tinatayang halaga sa pamamagitan ng Yelp, kagaya na lang ng isang estudyanteng nangangailangan ng lipat-bahay, magkasintahang naghahanap ng photobooth para sa kasal nila, o isang taong naghahanap ng partikular na vintage car. Kamakailan lang ay tinampok sa Buzzfeed ang feature namin para sa paghingi ng tinatayang halaga at malaki ang naitulong nito sa pagpapabuti ng ugnayan sa pagitan ng mga users at mga may-ari ng negosyong kabilang sa kategoryang Automotive, Pagpaplano ng Kaganapan, Serbisyong Pinansyal, Serbisyong Para sa Bahay, Lokal na Serbisyo at mga Propesyunal na Serbisyo sa Yelp.

Kaya’t kung sakaling magbara bigla ang banyo mo, at naghanap ka ng tubero sa Yelp, may makikita kang buton sa search results na pwede mong pindutin para malaman ang tinatayang halaga ng serbisyo nila. Makikita mo rin kung gaano kabilis magpadala ng sagot ang negosyong ito para alam mo kung ilang araw o oras bago ka makatanggap ng mensahe mula sa kanila. Mapapansin mo sa paghahanap mo na may berdeng highlight ang mga negosyong pinakamabilis magpadala ng kasagutan. Kapag pinindot mo ‘to, pwede mo nang ibigay ang mga detalye tungkol sa sitwasyon mo at hingin ang tinatayang halaga para sa partikular na serbisyong kailangan mo. Idagdag mo na din lahat ng iba mo pang tanong.

Gusto mo ba’ng humingi ng impormasyon mula sa iba’t-ibang negosyo? Pwede mo nang gamitin ang tool para sa Bulk Messaging. Pagkatapos mong humingi ng impormasyon mula sa isang negosyo, magbibigay ng 10 iba pang katulad na negosyo ang Yelp para makapagtanong ka din sa mga ito. Sa gayon, magagamit mo nang lubusan ang impormasyong makukuha mo sa paghahanap at di mo na kailangang tumawag nang tumawag sa iba’t-ibang negosyo. Kung mas madali mong makukuha ang sagot, mas madali ding masosolusyonan ang problema mo at matatanggal na ang bara sa banyo mo sa lalong madaling panahon.

Nakita na namin kung gaano kalaking tulong ang feature na ‘to, hindi lang para sa mga negosyo kundi para na rin sa mga mamimili. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga nakita naming pagbabago:

– Umakyat ng 250% ang bilang ng sagot na nakukuha mula sa mga may-ari ng negosyo
– Higit sa kalahati ng mga mensahe mula sa potensyal na kostumer ang nasasagot sa loob ng 24 oras
– Umakyat ng 1500% ang pagpapadala ng mensahe para sa mga negosyong nagbibigay ng serbisyong para sa bahay
Handa ka na ba’ng humiling ng impormasyong tungkol sa tinatayang halaga? Pwede ka nang mnakipag-ugnayan sa negosyo gamit ang feature na ‘to sa website at iOS. Magagamit na din ‘to sa Android sa loob ng ilang araw.