arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

Ayon sa pagsususuri, mas makabuluhan ang impormasyong galing sa Yelp Reviews kaysa sa impormasyong pinalalabas ng gobyerno

Sa susunod na mangailangan ka ng doktor, mas gugustuhin mo ba’ng humanap ng impormasyon sa HCAHPS? Kung para kang ako, malamang sasabihin mo pa, “E ano nga ba ‘yung HCAHPS?” At ‘yun nga ang ibig naming sabihin.

Iniulat ng Washington Post sa Health Affairs ang bagong pag-aaral na ginawa ng University of Pennsylvania kung saan sinuri nila ang 17,000 Yelp reviews tungkol sa 1,352 na ospital. Natuklasan nila na mas maraming impormasyong matatagpuan mula sa mga Yelp reviews lalo na tungkol sa mga pasilidad kumpara sa mga survey na nilalabas ng gobyerno na tinatawag na Hospital Consumer Assessment of Healthcare Providers and Systems Survey (or HCAHPS), kahit ito pa ang kinikilalang pangunahing pinagmumulan ng feeback mula sa mga pasyente.

Kahit pa sakop ng HCAHPS ang 11 kategorya kagaya ng pakikpag-komunikasyon sa mga nurse at doktor, kalinisan at katahimikan, may mga impormasyon pa din na hindi makikita sa survey na ginawa ng gobyerno at sa Yelp reviews lang matatagpuan. Ang ilan sa mga ito ay mga pasilidad, pagi-iskedyul, tamang pakikitungo sa mga pasyente at iba pa. Nililimitahan din ng HCAHPS na tanging mga pasyenteng nagamot lang ang maaaring magbigay ng feedback. Samantala, pinapayagan ng Yelp na magsulat ng reviews ang iba pang taong nakasaksi ng sitwasyon kagaya ng anak na nangangalaga sa kaniyang ina o kaya naman ay mga dumadalaw sa kaopisina nilang may sakit.

Bagamat mahalaga ang kalidad ng serbisyo, may ilang bagay pang kailangang malaman ng mga pasyente gaya ng luwag ng paradahan, asal ng mga doktor, at iba pang aspetong nakakaapekto sa pangkalahatang karanasan ng mga pasyente. Mahahanap sa Yelp ang mas detalyadong feedback. Ayon sa research ng Penn, magkatugma ang mga ospital na may mataas na rating sa Yelp at mga ospital na may mataas na rating sa HCAHPS survey. Mayroon ding bagong research na kumumpirma na magkatugma din ang resulta ng mga ospital na may tatlong reviews at ratings at mga ospital na may pormal na rating mula sa HCAHPS.

Para sa mga mamimili na gumagamit na ng Yelp sa paghahanap ng kainan, tubero at manggugupit, malamang ay uunahin din nilang silipin ang Yelp kung gusto nilang maghanap ng mga ospital, klinika at iba pang katulad na negosyong madalang naman nilang puntahan. Mas sanay na silang gamitin ang platform na ‘to kaysa sa sistemang pinapatupad ng gobyerno. Mas madaling unawain at mas personal din ang feedback na makukuha ng mga mamimili dito. Pinapakita din ng Yelp ang iba pang datos gaya ng bilang ng bakanteng kwarto para sa 25,000 ospital, nursing homes at dialysis clinics sa Estados Unidos. Dahil dito, mas madali nang pagkumparahin ng mga pasyente ang stats at mga karanasan ng iba gamit lang ang app na nasa telepono na nila. Maliban dito, mas madali na ding ipaabot sa mga ospital ang feedback ng mga tao dahil sa mga Yelp reviews.

Gaya ng nakasaad sa pagsusuri ng Penn, halos 75 porsyento ng mga Amerikano ang naghanap ng impormasyong may kaugnayan sa kalusugan noong 2012. Halos kalahati nito (42 porsyento) ang nakadepende sa online reviews, pero 6 na porsyento lang ang may alam na mayroon palang HCAHPS.

Tandaan lang, hindi lang para sa paghahanap ng gimikan ang Yelp. Makatutulong din ito sa paggawa ng matalinong desisyon tungkol sa mga importanteng aspeto ng buhay gaya ng paghahanap ng ospital na mangangalaga ng mabuti sa’yo.