arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

6 na Importanteng Yelp iPhone App Tips para sa mga Newbies

Na-download mo na ba ang Yelp app? Maligayang pagdating sa kasiyahan. Kung nalilito ka pa rin, bumuo kami ng anim na top tips para makasimula ka…at ma-adik sa paggamit nito! Ayos ba?

1. Bookmarks
I-bookmark ang mga lugar upang bisitahin o suriin sa ibang pagkakataon


Alam mo yung kasabihan nila tungkol sa magandang intensyon… Kung mayroon kang isang mahabang listahan ng mga lugar na gusto mong bisitahin, hanapin lang ang lugar na iyon sa Yelp app at i-tap Bookmark. Idadagdag ito sa iyong listahan ng mga Bookmark. Ngayon, maaari mong tingnan sa pamamagitan ng lokasyon, pangalan, o petsa kung kailan mong idinagdag habang nasa labas. Madali lang!

Payo: Nasa 32 bansa na ang Yelp, kaya maaari mong planuhin ng maaga at i-save ang iyong mga pangarap na destinasyon bago magsimula ang bakasyon mo.

2. Karatig-pook
Tingnan ang mga rekomendasyon na malapit sa iyo, nasaan ka man


Minsan kailangan nating lahat ng konting inspirasyon. Baka nasa isang lugar ka na hindi mo alam o gusto mo lang subukan ng bago bagay? Pindutin ang “Nearby” na pahina at makakuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang mga resulta – depende sa oras ng araw, ang mga mungkahi ay magbabago upang mabigyan ka ng pinakamahusay na pagpipilian!

3. Check-In Offers
Alamin kung aling mga negosyo ay may mga diskwento at mga alok kapag nag-check in sa Yelp


Sino nga ba’ng tatanggi sa libre, ‘di ba? Kung naghahanap ka ng mga sulit na promo, mag-browse ka sa mga “Check-In Offers” at gamitin ang “Nearby” na pahina sa taas. Pagnakahanap ka na ng bagay na gusto mo, tumungo ka lang sa negosyo at mag-check in sa Yelp app. Upang makuha ang mga alok na nagpa-pop up, ipakita lamang ito sa mga staff ng negosyo.

Ang mga alok ay pwedeng komplimentaryong kape o diskwento sa iyong bill at pwede din siyang libreng pagpasok sa club.

4. Filter
I-customize ang mga hinahanap mo upang makuha ang pinaka-mabisang na resulta


Lalabas ka ba para sa isang midnight snack at gusto mo lang makita ang mga lugar na bukas? O baka gusto mong i-filter ang iyong mga resulta sa mga pinakamataas na rated na mga negosyo? Solb. Ipindot ang “Filter” para mas mabilis ang iyong hinahanap – maaari mong i-filter ang mga resulta upang ipakita lang ang reservations, credit card facilities, libreng Wi-Fi, kung pwede magdala ng aso, ang mga lugar na maganda para sa mga bata – at higit pa.

5. Nearby Activity
Isang live feed ng kung ano ang nagte-trend at nangyayari malapit sa iyo


Mas masaya pag kasama ang mga kaibigan, di ba? Pag nag-browse ka sa iyong “Nearby Activity” maaari mong makita kung anong ginagawa ng ibang mga Yelper na malapit sa iyo. Makakakita ka ng mga review, mga event RSVP, mga tip, mga larawan at mga video – ito ay ang perpektong paraan makahanap ng mga bagong tao upang sundan o magdagdag ng mga kaibigan at upang matuklasan ang pinakabagong hotspots na pinag-uusapan ng lahat.

6. Translate
Perpekto para sa pagpaplano ng iyong panagarap na bakasyon


Wala kang oras para mag-aral ng pangalawang wika? Walang problema. Kung ikaw ay pagpaplano ng isang bakasyon sa ibang bansa at kailangan mong suriin kung ano ang sinasabi ng mga lokal na Yelper, may solusyon kami para sa iyo. Mayroong isang madaling tool sa pagsasalin na binuo sa app kaya maaari mong basahin ang lahat ng mga review at mga rekomendasyon kung saan at kung ano ang dapat kainin. Astig! Pro tip: Isama ang “Translate” sa “Bookmarks tool” upang planuhin ang napakasayang bakasyon!