arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

Patuloy na Nadaragdagan ang Isang Milyong Reviews na Sinulat ng Yelpers

Sa loob ng halos labindalawang taon, maraming mamimili na ang nakadepende sa Yelp. Ngayon, mas pinadali na ang paghahanap ng nangungunang kainan ng tapas, nag-aalaga ng aso, dentista o kaya’y tubero sa lugar mo. Ang lahat ng ito’y dahil sa Yelp at sa milyun-milyong reviews na sinulat mismo ng mga lokal sa bawat komunidad. Punung-puno ng saya ang mga nakaraang taon at lubos naming ikinalulugod ang pinakabagong tagumpay: Isang milyong reviews na ang naisulat ng mga Yelpers!

Ang kauna-unahang Yelp review ay sinulat noong October 2004 ni Jon B. at ito ay tungkol sa Kabuki Springs & Spa sa San Francisco. Simula nang maisulat ito, nakapagtatag na ang Yelp ng komunidad sa 120 siyudad na matatagpuan sa 32 bansa at 5 kontinente. Meron na ding mobile translation feature ang Yelp kaya’t pwede na itong mabasa sa 18 lenggwahe. Ang lahat ng ito ang naging dahilan para maabot namin ang ika-100 milyong review. Ito’y sinulat ng isang Yelp Elite, si Evelyn K., para sa isang pampublikong parke, ang Crocheron Park sa Bayside, NY at binigyan niya ito ng limang bituin.

Gusto namin ipaabot ang isang taos-pusong pasasalamat kay Evelyn K. at sa lahat ng Yelpers para sa mga karanasang ibinahagi nila. Nakakatuwang malaman na milyun-milyong tao ang umaasa sa reviews para mahanap nila ang nangungunang lokal na negosyo. Maliban dito, nalalaman din ng mga negosyo ang feedback ng mga mamimili nang sa gayon ay makagawa sila ng hakbang para lalong pagbutihin ang kalidad ng kanilang serbisyo. Ang mga detalyadong reviews na sinusulat ng mga mapagkakatiwalaang tao ang dahilan kung bakit namumukod-tangi ang Yelp kumpara sa ibang sites. Hinubog ng mga users ng Yelp ang app kaya’t mula sa pagiging startup, naging bahagi na ito ngayon ng kabuuang kultura (bawat araw ay may bagong Yelp para sa iba’-ibang aspeto). Nagiging dagdag-kita para sa mga maliliit na negosyo ang reviews mo kaya’t nakatutulong ang mga ito sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya sa iba’t-ibang komunidad sa buong mundo.

Ang laki na ng pinagbago ng mundo simula noong 2004 (may iPhone na ngayon! ? ) at ang ating paraan ng pakikipag-komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon ay patuloy na magtutulak ng pagbabago. Pero mananatili pa rin ang kahalagahan ng makatotohanang karanasan at pagtuklas sa mga bagong negosyo, at laging saksi ang Yelp sa mga ito. Niyakap na namin ang kultura kung saan nakadepende ang marami sa mobile. Mula sa pagiging website na gumagana lang sa desktop noong 2004, nakakatanggap na kami ng mobile review bawat 2.5 segundo noong katapusan ng 2015, at patuloy naming pinagbubuti ang iba’t-ibang aspeto para sa kapakanan ng aming mga users.

Bago tayo mapunta sa hinaharap, silipin muna natin ang ilang mahahalagang impormasyon na kaakibat ng pagkakaroon ng 100 milyong reviews.

– Nakapagsulat na ng 10 bilyong salita ang mga Yelpers at kailangan ng 146 taon ng bawat isa para lang mabasa nang malakas ang lahat ng ito
– Si Shila B., isang Yelper Elite sa Vancouver, Canada, ay nakapagsulat na ng higit sa 8,000 reviews.
– Isang kainan sa Los Angeles, CA na nagngangalang Bottega Louie ang tinaguriang pinakasikat at pinakapaboritong kuhanan ng litrato. Mayroon na itong higit sa 12,000 reviews at 17,000 larawan sa pahina ng negosyo.
– Sa katapusan ng 2015, 70% na ng searches sa Yelp ang nagmula sa mobile device sa iba’t-ibang panig ng mundo.
– Mula 2014 hanggang 2015, nagkaroon ng karagdagang 66% sa bilang ng reviews na dinagdag gamit ang mobile. Pagpatak ng 2015, higit sa 1.5 milyong negosyo ang may halos 50% reviews na nanggaling sa mobile.
– Ayon sa datos noong March 2016, nasa 2,371 negosyo sa Yelp ang may higit sa 1,000 reviews at lahat ng ito ay may average na 4 na bituin.
– Ang Get Your Move On sa Phoenix, Arizona ang pinakamasipag sumagot sa lahat ng negosyo sa Yelp. 100% ng kanilang reviews ang may sagot, pampubliko man ito o pinadala nang pribado.
– Nagbigay na ng reserbasyon sa 109 milyong tao ang Yelp SeatMe. Nakapag-order na din ng 12 milyong pizza ang mga users sa pamamagitan ng Yelp Eat24.

Siyempre, hindi dito natatapos ang aming paglalakbay. Dahil sa masigasig na users sa komunidad ng Yelp, nalagpasan na din namin ang 100 milyong reviews. Kampay para sa 100 milyong reviews na patuloy pang nadadagdagan!