arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

100 Nangungunang Kainan sa Estados Unidos Para sa 2016: Ang Daan Tungo sa Kabusugan

Haaay, pagkain. Isa ‘to sa mga nagbibigay-kulay sa buhay nating lahat, ano pa mang lahi mo o lenggwaheng sinasalita mo. Ang paghahanap ng pinakamasarap na pagkain sa mundo ang nagbubuklod sa iba’t-ibang tao at napapadpad sila sa iisang lugar para matupad ang kanilang pangunahing layunin…ang kumain nang kumain ng samu’t-saring masasarap na putahe!

Alam na alam din namin yan! Milyun-milyong taong nasa 30 iba’t-ibang bansa ang gumagamit ng Yelp para ibahagi ang kanilang karanasan tungkol sa mga restawran, food stands, deli, izakaya, karinderya at iba pa. Binabahagi na rin nila ang karanasan nila sa pagbisita sa mga pagupitan, dog groomers, ahente ng real estate…pero teka, ibang istorya ‘yun. Pagkain nga pala ang pinag-uusapan natin dito.

Ang listahan ng Yelp para sa 100 Nangungunang Kainan sa Estados Unidos Para sa 2016 ay isa sa aming mga paraan para kilalanin ang mga negosyong may mataas na ranggo sa Yelp batay sa opinyon ng buong komunidad. Kinikilala na sila bilang isa sa mga “hindi pwedeng palampasin.” Kasama sa listahang ‘to ang iba’-t-ibang kainan mula sa pinakasosyal hanggang sa mga kaswalang lugar, bagong bukas at matagal nang binabalik-balikan, kainan ng barbecue o udon, at lahat ng iba pang lugar na may masasarap na pamatid-gutom.

Mula sa itaas: Iba’t-ibang matatamis na pagkain mula sa nangungunang negosyo, ang Porto’s Bakery and Cafe sa Burbank, CA. Ibabang bahagi, mula kaliwa papuntang kanan: Isang sandwich mula sa pangatlo sa listahan, ang Paseo at ang nasa likuran nito ay ang skyline ng Seattle. Isang pizza mula sa pangalawa sa listahan, ang Cheese Board Pizza at ang nasa likuran nito ay Berkeley. Galing naman ang poke sa negosyong Da Poke Shack na panlabinglima sa listahan at matatagpuan ito sa isang beach sa Hawaii. Masarap na pagkain, kasama ng magandang tanawin…Mukhang ‘yun yata ang pumapatok.

Mga kaibigan, lagyan n’yo na ng bookmark ‘tong listahang ‘to. Gamitin n’yo ‘tong gabay patungo sa ganap na kabusugan ngayong 2016. Kung masipag ka, baka sakaling mapuntahan mo lahat ng 100 negosyong nasa listahan bago mag-alas dose sa ika-31 ng Disyembre. Pero kung di mo naman magawang puntahan lahat, paniguradong may oras ka pang dumalaw at mukhang hindi pa naman sila malulugi sa lalong madaling panahon. Paano kami nakakasiguro? Dahil malaki ang papel na ginagampanan ng Yelp sa panghihikayat sa mga kostumer na pumunta sa mga negosyong patuloy na nagsisikap upang bigyan ng magandang serbisyo ang mga tumatangkilik sa kanila.

Mayroon ba kaming hindi naisama sa listahan namin? Pag-usapan na ang listahang ‘to sa social media gamit ang hashtag na #YelpTop100. Ipaalam ninyo sa’min kung ano’ng opinyon ninyo tungkol dito. Tandaan, ang tangin paraan para malaman namin kung gaano kaganda ang isang lugar ay kung may mga magsusulat ng review tungkol dito. Kaya naman, ibahagi mo na din ang kaalaman mo sa Yelp! Baka masama ang mga paborito mong lugar sa panibagong listahan na ilalabas namin sa hinaharap!

Silipin din ang blog ng Yelp para sa mga may-ari ng negosyo para malaman mo kung anu-ano ang mga negosyong kasama sa 100 Nangungunang Kainan sa Canada, United Kingdom, Germany, Italy, Spain at Australia!

100 Nangungunang Kainan sa Estados Unidos Para sa 2016

Ang mga may markang ? ay mga negosyong Uso at Bago. Ibig sabihin nito, ngayon lang sila nasama sa listahan namin at hindi pa lalagpas sa dalawang taon mula nang maidagdag sila sa Yelp.

Minarkahan din ang mga negosyong tumatanggap ng order o kaya’y nagde-deliver sa pamamagitan ng Yelp.

1. Porto’s Bakery & Cafe, Burbank, CA (1)

2. Cheese Board Pizza, Berkeley, CA

3. Paseo, Seattle, WA

4. Joe’s Kansas City Bar-B-Que, Kansas City, KS

5. TKB Bakery & Deli, Indio, CA

6. Gary Danko, San Francisco, CA

7. The Morrison, Los Angeles, CA

8. Mama D’s Italian Kitchen, Newport Beach, CA

9. Franklin Barbecue, Austin, TX

10. Marukame Udon, Honolulu, HI

11. Cream Pan, Tustin, CA

12. Dametra Cafe, Carmel, CA

13. Little Miss BBQ, Phoenix, AZ

14. Ono Seafood, Honolulu, HI

15. Da Poke Shack, Kailua-Kona, HI

16. Los Agaves, Santa Barbara, CA

17. Tacos El Gordo, Chula Vista, CA

18. Bogart’s Smokehouse, Saint Louis, MO

19. Alinea, Chicago, IL

20. Joe’s Falafel, Los Angeles, CA *Yelp Eat24 Order/Delivery

21. Baguette Cafe, Las Vegas, NV

22. Halls Chophouse, Charleston, SC

23. Aviva by Kameel, Atlanta, GA

24. Ike’s Place, San Francisco, CA *Yelp Eat24 Order/Delivery

25. Adobo Taco Grill, Lakewood, CA ?

26. Kokkari Estiatorio, San Francisco, CA

27. Mr BBQ, Fullerton, CA ?

28. El Dorado Cantina, Las Vegas, NV *Yelp Eat24 Order/Delivery

29. Pappy’s Smokehouse, Saint Louis, MO

30. T Deli, San Diego, CA *Yelp Eat24 Order/Delivery

31. Oscar’s Mexican Seafood, San Diego, CA

32. Gramercy Tavern, New York, NY

33. Screen Door, Portland, OR

34. Le Bernardin, New York, NY

35. Mama’s Fish House Restaurant, Paia, HI

36. Gaucho Parrilla Argentina, Pittsburgh, PA

37. Gen Korean BBQ House, Cerritos, CA (2)

38. Girl & the Goat, Chicago, IL

39. Langer’s, Los Angeles, CA

40. Los Tacos No.1, New York, NY

41. Bakery Nouveau, Seattle, WA

42. Sushi Ota, San Diego, CA

43. Istanbul Grill California, Fountain Valley, CA

44. Mr. Mamas, Las Vegas, NV

45. Arun’s Indian Kichen, Coral Springs, FL *Yelp Eat24 Order/Delivery

46. Cochon Butcher, New Orleans, LA

47. Coop’s West Texas Barbeque, Lemon Grove, CA

48. Kenny’s Wood Fired Grill, Dallas, TX

49. Yardbird Southern Table & Bar, Miami Beach, FL

50. Beach Break Cafe, Oceanside, CA

51. Johnny Pacific, Winnetka, CA

52. Outlaws Cafe, Van Nuys, CA *Yelp Eat24 Order/Delivery

53. Lou’s Cafe, San Francisco, CA

54. Los Andes Restaurant, Providence, RI

55. Arizmendi Bakery, San Francisco, CA

56. Lahaina Grill, Lahaina, HI

57. The French Laundry, Yountville, CA

58. Gus’s World Famous Hot & Spicy Chicken, Memphis, TN

59. Uchi, Austin, TX

60. Rockfire Grill, Mission Viejo, CA *Yelp Eat24 Order/Delivery ?

61. El Chato Taco Truck, Los Angeles, CA

62. Zahav, Philadelphia, PA

63. Helena’s Hawaiian Food, Honolulu, HI

64. Sal, Kris, & Charlie’s Deli, Astoria, NY

65. Providence, Los Angeles, CA

66. Zacatecas Restaurant, Hawthorne, CA

67. Monell’s Dining & Catering, Nashville, TN

68. Phil’s BBQ, San Diego, CA

69. Per Se, New York, NY

70. Daniel, New York, NY

71. Yoshino Japanese Deli, Carlsbad, CA

72. Eleven Madison Park, New York, NY

73. Kang Ho Dong Baekjeong, Los Angeles, CA

74. Cafe Rolle, Sacramento, CA

75. Chama Gaúcha Brazilian Steakhouse, Houston, TX (3)

76. Musubi Cafe Iyasume, Honolulu, HI

77. Wally’s Cafe, Emeryville, CA

78. Mastro’s Steakhouse Beverly Hills Penthouse, Beverly Hills, CA

79. Neptune Oyster, Boston, MA

80. Oyster Bar, Las Vegas, NV

81. Pike Place Chowder, Seattle, WA

82. The Halal Guys, New York, NY

83. The Codmother Fish and Chips, San Francisco, CA

84. Shark Pit Maui, Lahaina, HI

85. Farmstead at Long Meadow Ranch, Saint Helena, CA

86. Genwa Korean BBQ, Los Angeles, CA

87. Little Lucca Sandwich Shop & Deli, South San Francisco, CA *Yelp Eat24 Order/Delivery

88. Bobby Q, Phoenix, AZ

89. Umeke’s, Kailua-Kona, HI

90. Root Down, Denver, CO

91. Tar & Roses, Santa Monica, CA

92. Leoda’s Kitchen and Pie Shop, Lahaina, HI

93. The Waffle Window, Portland, OR

94. Café Besalu, Seattle, WA

95. Roxie Food Center, San Francisco, CA

96. Blues City Deli, Saint Louis, MO

97. Uchiko, Austin, TX

98. Bavette’s Bar & Boeuf, Chicago, IL

99. 39 Degrees, Long Beach, CA

100. DishDash, Sunnyvale, CA

Talababa

(1) Dalawa pang lokasyon ng Porto’s ang kasama sa 100 nangungunang kainan: Porto’s Glendale at Porto’s Downey

(2) Isa pang lokasyon ng Gen Korean BBQ ang kasama sa 100 nangungunang kainan: Gen Korean BBQ Rowland Heights

(3) Isa pang lokasyon ng Chama ang kasama sa 100 nangungunang kainan: Chama Gaúcha Brazilian Steakhouse Downers Grove

Magbalik-tanaw tayo sa kung papaano nabuo ang listahang ‘to ng masisigasig na tao sa Yelp na humimay sa samu’t-saring datos para lang maihatid namin sa inyo ang listahang ito.

Pamamaraan:

Para matukoy ang 100 Nangungunang Kainan sa Estados Unidos Para sa 2016, binigyang-pansin namin ang mga negosyong nananatiling pinakasikat at may pinakamaraming review sa Yelp. Kinumpara ang mga negosyo sa buong bansa sa pamamagitan ng pagsusuri sa ratings nito pati na bilang ng reviews, habang isinasaalang-alang ang kalidad, kasikatan pati na rin ang iba pang aspeto na nakakaapekto sa pabago-bagong istatistika. Para masigurong sumasalamin sa lokal na karanasan ang aming listahan, ang tanging sinama lang namin ay mga reviews na sinulat ng mga user na nasa lokasyong kaparehas ng bansa kung saan matatagpuan ng negosyo. Mga negosyong pwedeng kainan o mga restawran lamang ang pinagkumpara at kailangang tumutugon ang mga ito sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Yelp pati na rin sa Mga Alituntunin ng Nilalaman. Kung lalabas sa listahan ang negosyong may iba’t-ibang lokasyon, sinasama lang namin ang lokasyong may pinakamataas na ranggo at binabanggit namin sa talababa ang iba pang lokasyon. Noong nakaraang taon kinumpara namin ang mga negosyo batay sa kagalingan nila noong mga nakaraang taon. Ngayong taon ‘to, sinama namin lahat ng datos magmula pa noong tinatag ang Yelp noong 2004. Ang listahang ito ay kombinasyon ng mga dati nang paboritong puntahan pati na rin mga bagong bukas na negosyong humakot ng kasikatan. Ang mga negosyong markado bilang “Uso at Bago” ay ngayon lang nasama sa listahan at hindi pa lalagpas sa dalawang taon mula nang maidagdag sila sa Yelp.